Pages

Tuesday, May 18, 2010

may masabi lang

balita din dito sa japan ang eleksiyon na naganap sa pinas. shempre pinakita kung sino ang mga kandidato sa pagkapangulo. pagdating kay Erap inilarawan siya bilang ang dating pangulo ng pilipinas na minsan ng napatalsik.

onli in da pilipins.

tapos makikita mo na pumapangalawa pa siya sa pinakamaraming nakakuha ng boto.

kagaya ng sinabi ng kasama ko dito sa bahay marami ang di nakapag-aral sa pilipinas. marami pa rin ang tanga. may mga taong nakapag-aral nga di naman marunong umintindi. mga taong nagpapadala sa mga pulitikong para sa mahirap.

goodluck sa saranggani. di bale marami namang pera si pacquiao na ipamimigay in case wala na siyang ibang maisip sabihin bukod sa gusto niyang tumulong sa kanyang kababayan.

nawalan nako ng pag-asa sa pilipinas. kahit bumangon pa sa hukay si ninoy o kaya si jose rizal para mamuno wala pa ring mangyayari hanggan't bulok ang ugat ng pamahalaang pilipinas.

 isang malaking GOODLUCK!

No comments:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails